TINGNAN: Kapamilya-inspired Christmas decor agaw-pansin sa GenSan | ABS-CBN
Lifestyle
TINGNAN: Kapamilya-inspired Christmas decor agaw-pansin sa GenSan

ABS-CBN News
Published Sep 16, 2020 08:31 PM PHT
MAYNILA — Saktong 100 araw bago mag-Pasko, may mga nagsisimula nang maglagay ng Christmas decorations sa kani-kanilang mga bahay.

Pero agaw-pansin ang isang bahay sa General Santos City dahil sa tema nitong "Paskong Kapamilya."

Sa padalang larawan ni Bayan Patroller Joseph Joemar Montojo, ipinakita niya ang isang malaking parol na may disenyo na ABS-CBN logo na bubungad sa pagpasok sa kanilang tahanan.

Gawa sa recycled materials, laminated paper, at pinasadyang mga ilaw ang parol na may isang metro ang laki.

ADVERTISEMENT
Bukod sa parol, may nakalagay ding malaking "ABS-CBN Forever" at napapaligiran ng mga kumukutikutitap na Christmas lights.

"Magpi-print pa ako ng mga heart na kulay blue, red, green na idadagdag ko pa doon... Kaming pamilya po, lahat po kami maka-ABS-CBN. Kahit ngayong Pasko na wala ang ABS-CBN, parang kasama pa rin namin siya sa aming tahanan."

Dahil kakaiba ang itsura ng kanyang garahe, marami na ang nagpupunta sa bahay nina Montojo para magpa-picture sa kanyang Christmas decors.

"'Yung mga kapitbahay ko napapalingon, nagpa-picture din... Then 'yung ibang malalayo dito sa amin, nagpapa-schedule na magpunta sa bahay para magpa-picture daw sila... May health protocol din po kami na ipinatutupad sa bahay," sabi ni Montojo.

Isa sa mga wish ni Montojo ngayong Pasko: "Sana matupad 'yung hiling namin na magbalik ang ABS-CBN News."

—Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV Patrol Top
Pasko
Christmas
Kapamilya
Kapamilya forever
GenSan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT