Relief packs para sa mga jeepney drivers sa Maynila, handog sa ika-4 na kaarawan ng isang bata | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Relief packs para sa mga jeepney drivers sa Maynila, handog sa ika-4 na kaarawan ng isang bata

Relief packs para sa mga jeepney drivers sa Maynila, handog sa ika-4 na kaarawan ng isang bata

Josiah Antonio,

ABS-CBN News

Clipboard

Mga larawan mula kay Sky Gatdula

MAYNILA — Para sa kanyang ika-apat na kaarawan, nagbihis ang 4 anyos na si JK Gatdula bilang si Red Ranger ng Power Rangers at namahagi ng relief goods sa mga jeepney drivers sa Blumentritt, Maynila ngayong Miyerkoles ng umaga.

Kwento ng kanyang inang si Sky Gatdula sa ABS-CBN News, laman ng mga relief goods ang ilang noodles, pansit canton, de lata, mga sangkap sa pagluluto, at bigas.

Aniya, paraan nila ang pagtulong sa iba bilang pasasalamat matapos ang naging laban nila sa coronavirus disease (COVID-19).

“Sila po kasi, isa sa affected ng pandemic… And after namin ma-experience ang COVID last month, nandito pa rin kami and blessed pa rin. So, it’s time for us to give back po,” sinabi ni Gatdula sa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

“Sobrang sarap po sa pakiramdam na lahat sila nagpapasalamat. Nakita namin kung gaano sila kahirap talaga. 'Yung pagkakita pa lang nila sa’min, tuwang-tuwa sila agad,” dagdag pa niya.

Kinakailangang sumailalim ni Gatdula, 32, at ng kanyang pamilya at kamag-anak sa 14-day isolation period nitong Agosto matapos magpositibo sa COVID-19 ang kanyang father-in-law.

Ayon kay Gatdula, sa ngayon ay gumaling na sa sakit ang kamag-anak.

“Magaling na po. Lumakas na po siya. Everyday po, nagja-jogging at naglalakad dito sa loob ng village para mas lalo pa po tumibay… Sobrang laki na po ng improvement niya,” kuwento niya tungkol sa kaniyang father-in-law.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.