Kylie Verzosa, inaming naduraan si Maxine Medina sa shoot ng 'Los Bastardos'

Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2019 08:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inamin ni Kylie Verzosa na naduraan niya ang kapwa aktres at beauty queen na si Maxine Medina sa isang eksena sa seryeng pinagbibidahan nila na "Los Bastardos."

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Kylie na nag-sorry na siya at hindi raw sila galit ni Maxine sa isa't isa.

"There was an apology that happened on set. Right after, we talked with Max and everything is okay already. Pareho kaming okay," aniya.

"Nag-taping na kami, gumawa pa kami ng ang dami-daming eksena."

Ipinaliwanag ni Kylie na nadala siya sa aktingan nila ni Maxine.

"Especially now, last 2 weeks na lang, emotions are so high, scenes are so intense," aniya.

"Kontrabida pa ako so minsan nadadala talaga sa eksena. You can't help it, minsan may extra slap, sampal, nasasaktan talaga," paliwanag niya.

Unang lumabas ang isyu nang maglabas ng blind item ang pinsan ni Maxine na si Dianne Medina ukol sa insidente.

Napuna rin ng fans na in-unfollow ni Maxine si Kylie sa Instagram.

Magkasama sa Binibining Pilipinas 2016 sina Maxine at Kylie. Nakuha ni Maxine ang titulong Miss Universe Philippines, habang si Kylie naman ang hinirang na Bb. Pilipinas International.

Umabot sa Top 6 si Maxine sa Miss Universe 2016, habang nakuha naman ni Kylie ang titulong Miss International noong parehong taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.