ALAMIN: Safety tips sa panahon ng bagyo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Safety tips sa panahon ng bagyo

ALAMIN: Safety tips sa panahon ng bagyo

ABS-CBN News

Clipboard

Paano nga ba magiging handa upang maiwasan ang mga disgrasyang dulot ng pagbagyo?

Ayon kay safety expert Dr. Ted Egsuerra, dapat alam ng mga miyembro ng pamilya ang mga mahahalagang kagamitang dapat dalhin kapag lilikas.

Dagdag pa ni Esguerra, maiging alam ng pamilya ang mga matataas na lugar sa kanilang komunidad na maaaring puntahan sa pagkakataong kinakailangang lumikas.

Kapag humupa naman ang baha, payo ni Egsuerra na hintayin muna ang utos ng lokal na Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) bago bumalik sa tirahan. Ito'y dahil may posibilidad na masugatan ng mga debris o gumuho pa ang bahagi ng bahay.

ADVERTISEMENT

Dapat din aniyang maging mapagmatyag sa mga delikadong hayop na maaaring lumabas, gaya ng ahas.

Mahalaga umano ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at DRRMC upang maging handa sa mga posibleng sakunang dulot ng bagyo at sa mga paglikas.

Kabilang sa mga sakunang dala ng bagyo ang baha, daluyong o storm surge, at landslide o pagguho ng lupa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.