Susi ba ang paggamit ng 'x' para maging gender sensitive, neutral ang wikang Filipino? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Susi ba ang paggamit ng 'x' para maging gender sensitive, neutral ang wikang Filipino?

Josiah Antonio,
ABS-CBN News
Published Sep 10, 2020 08:06 PM PHT
|
Updated Sep 10, 2020 08:11 PM PHT

MAYNILA — Sa pag-usbong sa diksyonaryo ng mga salitang Filipinx, Pinxy at iba pang salita sa wikang Filipino na ginagamit ang "x", masasabi bang ito ang susi para maging gender-neutral at gender-sensitive ang ating wika?

Ayon sa dating direktor ng Sentro ng Wikang Filipino ng University of the Philippines na si Galileo Zafra, kinakailangan pa ng mga pananaliksik kung paano magiging gender-sensitive at gender-neutral ang wikang Filipino.

“Ang pangangailangan ng paggamit ng wika o isang aspeto nito ay nakabatay sa kung may nakikitang pangangailangan dito ang lipunan o ang mga espesipikong grupo o sektor ng lipunan,” sinabi ni Zafra sa ABS-CBN News nitong Huwebes.

“Kaya marahil, mahalagang gawin mo ay saliksikin ang mga espesipikong dahilan o konteksto na nagluwal ng ganitong eksperimentasyon sa pagbuo ng Filipinx,” dagdag pa niya.

Neolohismo at kasaysayan ng paggamit ng x
Ayon kay Zafra, ang pag-usbong ng Filipinx at Pinxy ay tinatawag na neolohismo o paggamit ng isang isolated na termino, salita, o parirala hanggang sa ipakilala na ang paggamit nito sa publiko.

“Dahil wala naman ito sa bokabularyong Filipino at ang anyo nito ay tila hindi umaayon sa anumang paraan ng pagbubuo ng salitang Filipino, maaari itong ituring na paglikha ng salita o neolohismo,” ani Zafra.

Aniya, sinasabi ng eksperto na ang paggamit ng x ay nag-ugat sa panahon ng 1970s sa wikang Ingles noong ginamit ang Mx. bilang alternatibo sa paggamit ng Mr. at Ms., hanggang sa umunlad na lamang ito at ginamit sa rin sa iba pang mga salita.

“Ang paggamit ng Mx ay upang magkaroon ng alternatibo sa Mr. at Ms. Sumunod, ginamit na rin ito sa Latinx,” aniya.

Ayon sa propesor ng wika at panitikan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, ang paggamit ng x para maging “gender-neutral” ang isang salita ay nailuwal dahil sa mga ispesipikong grupo o sektor, at tanging sila rin ang makakapagsabi ng pangangailangan ng paggamit nito.

“Kung ang dahilang ito ay paniniwalaan ng mga Filipino dito sa Pilipinas, o kung ang konteksto na nagluwal nito ay siya ring konteksto mayroon sa Pilipinas, maaaring may gumamit din o lumaganap pa ito sa Pilipinas,” ani Zafra.

“Ang pangangailangan sa paggamit ng wika ay hindi yata ididikta ng mga guro sa wika o ng mga mananaliksik sa wika. Ang pangangailangan sa wika ay nakabatay sa pangangailangan ng mismong mga gagamit ng wika,” dagdag pa niya.

Naging gender-neutral na ba ang wikang Filipino?
Ayon kay Zafra, may mga tala na nagsasabing gender-sensitive ang wikang Filipino. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

- Iisa lang ang panghalip natin para tukuyin ang lalaki at babae (siya, niya, kaniya)
- May mga salitang hindi tumutukoy sa kasarian tulad ng — anak, kapatid
- Maraming salitang tumutukoy sa hayop at halaman ay kailangan pang lagyan ng pang-uring lalaki at babae para maipakilala ang pagkalalaki o pagkababae nito (bagaman may mga salita rin namang nagpapahiwatig na ng katangiang biyolohikal nito tulad ng kalakyan, tandang, bulugan, inahin, dumalaga, etc.)
- Sa mga propesyon, may mga salitang maaaring tumukoy sa kapwa lalaki at babae tulad ng 'manggagamot' o 'makata' na kung sa ibang wika, napag-iiba sa lalaki at babae.

Pero, hindi ito sapat para sumahin na gender-sensitive na ang ating wika sa esensiya, ani Zafra.

“Gayunman, hindi yata sapat ang mga halimbawang ito para bumuo na agad ng mapanaklaw na pahayag na gender-sensitive na ang wikang Filipino o ang mga katutubong wika sa Pilipinas,” aniya.

“Sa bawat halimbawa na nabanggit ay may maibibigay na exception o kataliwasan. Bukod dito, marami ring maibigigay na halimbawa para maipakitang may pagsisino rin sa kasarian ang wikang Filipino o mga katutubong wika,” dagdag pa niya.

Paano magiging gender-senstive ang ating wika?
Ayon kay Zafra, babalik at babalik pa rin dapat ang suri sa ating wika sa pagiging patriyarkal nito, kaya naman kinakailangan pa ng mga pag-aaral kung paano pa ito pauunlarin at gagawing gender-neutral o gender-sensitive.

“Magsisimula sa pagsusuri ng wika at ng paraan kung paano ito nagagamit para mamayani ang patriyarka, at kung paano rin ito mahuhulma para isulong ang pagkakapantay ng kasarian. Hindi na kailangan, sa palagay ko, na mag-imbento ng salita. Marami na pang-araw-araw na gamit ng wika na nagpapakita ng mababang pagtingin sa babae,” ani Zafra.

“Halimbawa, kapag may mabagal magmaneho sa kalsada, sasabihin, “Sigurado, babae ang nagmamaneho”, o “E kasi, bababe.” Ang lalaki, kapag may ibang karelasyon ay “matinik sa babae;” ang babae naman, babansagang “malandi, haliparot.” Kapag babae, madalas na ilarawang “maganda, sexy;” ang lalaki ay “matapang, malakas.” Parang hindi puwedeng tumawid ang mga pang-uring ito sa magkaibang kasarian, bagaman sa realidad, hindi eksklusibo ang mga pang-uring ito sa anumang kasarian,” dagdag pa niya.

Sa pagsusuri ng pagbabago ng wika, partikular kaugnay sa pagkakapantay-pantay ng kasarian, kinakailangan aniyang tignan ito sa lente ng pang-araw-araw na paggamit, sa iba’t ibang larangan man, o estado sa buhay.

“Kailangan nating suriin ang wikang ginagamit natin sa pang-araw-araw at makikita na natin kung paano nito hinuhugis ang pananaw at kultura natin para tingnan at itrato ang lalaki at babae. Pantay na ba ang katayuan ng babae at lalaki? Tingnan lang ang sitwasyon sa iba’t ibang institusyon at larangan ng lipunan, at kagyat na masasabing wala pang pagkakapantay-pantay,” ani Zafra.

“Maraming salik na lumulikha ng ganitong kalagayan. Isa na rito ang wika na humuhugis ng ating pananaw at pakikipag-ugnayan sa ating kapuwa. Kaya kailangang patuloy siyasatin, linangin, baguhin ang wika at ang paggamit nito upang higit na maging mapagkalinga sa babae at lalaki, at sa lahat.”

Read More:
Tagalog News
Pinxy
Filipinx
wika
panitika
Sentro ng Wikang Filipino
Galileo Zafra
gender sensitivity
gender sensitive
gender neutral
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT