'Gigil Kid' Carlo, ipinasilip ang bahay sa Batangas | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Gigil Kid' Carlo, ipinasilip ang bahay sa Batangas

'Gigil Kid' Carlo, ipinasilip ang bahay sa Batangas

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Namayagpag man ang karera bilang batang artista, hindi pa rin nakalilimutan ni Carlo Mendoza, o mas kilala sa bansag na "Gigil Kid," ang payak na pamumuhay sa bayang pinagmulan.

Ipinasilip ni Mendoza sa programang "Rated K" ang komunidad na kinalakihan niya sa bayan ng Lian, Batangas.

Isang taon na daw ang nakalilipas mula nang huli siyang umuwi rito.

Batid sa pagbisita ang simpleng pamumuhay ni Mendoza sa probinsya mula sa mala-kubong tahanan hanggang sa papag na tinutulugan daw niya noon bago sumikat.

ADVERTISEMENT

Ipinakilala rin ni Mendoza ang kaniyang mga kaanak at mga kalaro.

Kasalukuyang naninirahan si Mendoza sa Taguig kung saan nagtatrabaho ang kaniyang ama bilang tindero ng balut.

Kapag hindi abala sa show business, tumutulong din si Mendoza sa kaniyang ama sa pagtinda.

Noong nakaraang taon, nag-viral si Mendoza sa social media dahil sa isang video kung saan tila umaastang siga siya habang ipinagtatanggol ang kaniyang ate.

Lalong nakilala si Mendoza nang siya'y maimbita at kagiliwan ng mga manonood sa "Little Big Shots."

Naging sunod-sunod na ang mga proyekto ni Mendoza matapos iyon, kabilang ang mga guesting sa "Gandang Gabi Vice" at pagiging bahagi ng "FPJ's Ang Probinsyano."

Nabigyan na rin siya ng pagkakataong lumabas sa big screen nang maging bahagi ng pelikulang "Gandarrapiddo: The Revenger Squad."

Kasalukuyang nagsisilbing hurado si Mendoza sa "The Kids’ Choice," isang talent-reality competition kung saan sa unang pagkakataon, mga bata naman ang bibigyang kapangyarihang kumilatis ng mga talento.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.