Kapamilya child stars, mga hurado na sa 'The Kids' Choice' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kapamilya child stars, mga hurado na sa 'The Kids' Choice'

ABS-CBN News
Published Aug 30, 2018 03:31 PM PHT

LOOK: The kiddie judges and hosts of ABS-CBN's newest talent-reality competition "The Kids' Choice" pic.twitter.com/P2mcyGYbBv
— Reyma Buan-Deveza (@reymadeveza) August 30, 2018

MANILA -- Mapapanood na ang pinakabagong programa ng Kapamilya network na “The Kids’ Choice” simula ngayong weekend.

Ang programa ang pinakabagong Kapamilya talent-reality competition kung saan sa unang pagkakataon, mga bata naman ang bibigyang kapangyarihang kumilatis ng mga talento.

Tatayo bilang mga host ng "The Kids' Choice" sina Robi Domingo at Eric Nicolas.

Ang “The Kids’ Choice” ay isang orihinal na konsepto na kinabibilangan ng The Just Kids League, ang mga batang huradong huhusga sa performances ng mga kalahok na tinatawag na “Fam-bato” o magkakapamilyang contestants na linggo-linggong magpapakitang gilas sa entablado.

Robi Domingo to host "The Kids' Choice" with comedian Eric Nicolas pic.twitter.com/fjs7EV1ZKe
— Reyma Buan-Deveza (@reymadeveza) August 30, 2018
Robi Domingo to host "The Kids' Choice" with comedian Eric Nicolas pic.twitter.com/fjs7EV1ZKe
— Reyma Buan-Deveza (@reymadeveza) August 30, 2018
"Lagi tayong may judges na eksperto sa kanilang mga field, 'yung matagal na sa industriya, mga adults. Dito panibago ang ibibigay namin: mga bata ang magiging hurado, at yung mga magpe-perform na tinatawag naming 'Fam-bato' kids with adults, magkakapamilya -- mag-ama, mag-pinsan, magkapatid. Kahit anong relationship pa 'yan sa stage ay welcome na welcome silang mag-perform sa harap ng ating Just Kids League," paliwanag ni Robi.

Kasama sa The Just Kids League o mga batang hurado sina Xia Vigor, Onyok Pineda, Carlo Mendoza, Chunsa Jung at Jayden Villegas.

"Masaya po ako dahil naging [judge] po ako. Kasi po pakiramdam ko parang mahuhulog ako sa langit, kaya kapit na kapit ako kasi gusto ko talagang maging [judge]," ani Carlo na unang nakilala sa viral videos nito at guestings sa "Gandang Gabi Vice."

"Super po akong na-excite noong nalaman ko pong isa po akong judge sa show na ito kasi isa siyang blessing na ibinigay ni God sa akin. Dahil tuloy-tuloy po ang blessings sa akin, kaya super saya ko na napasok ako sa 'The Kids' Choice' para mapanood ang unique nilang talent at saka po 'yong magkakaibang pamilya," ani Chunsa na naging parte ng kakatapos pa lang na "Your Face Sounds Familiar Kids."

Meet the judges of ABS-CBN's newest talent-reality competition "The Kids' Choice" pic.twitter.com/iUnV3VXYZL
— Reyma Buan-Deveza (@reymadeveza) August 30, 2018
Meet the judges of ABS-CBN's newest talent-reality competition "The Kids' Choice" pic.twitter.com/iUnV3VXYZL
— Reyma Buan-Deveza (@reymadeveza) August 30, 2018
Hirit naman ni Xia na dati ring performer sa "Your Face Sounds Familiar Kids": "Maganda pong opportunity para sa akin dahil ang mga nata-try ko pa lang po ay mga movie, teleserye. As in first time ko pong magiging judge. So ngayon po mas naiintindihan ko na noong dating nagpi-perform ako ang mga judge ini-iskoran ako ng mababa, ngayon naiintindihan ko na ang mga judge," aniya.

"Katulad ng sinabi ni Chunsa, blessing na lang din po ang ibinigay ni Lord na 'The Kids' Choice' project kasi first time kong mag-judge kaya sobrang excited ako kasi mapapanood ko na ang performances ng mga talented na Filipino," ani Onyok na kilala sa pagiging parte niya sa "FPJ's Ang Probinsyano."

"Sa akin po masayang-masaya ako kasi part na ako ng cast; hindi na katulad ng dati na guest lang po ako. Masaya rin ako na kasama ko itong mga magagaling na artista. Thankful ako sa ABS-CBN kasi binigyan nila ako ng opportunity na maging judge at ako ang pinili nila," sagot naman ni Jaden, ang talented skater boy na nagpasikat sa "Little Big Shots."

Kada episode, apat na “Fam-bato” ang magpapakita ng iba’t ibang talento at susubukang pabilibin ang kiddie judges upang hirangin silang The Kids’ Choice.

Ngunit bukod sa tagisan ng galing, matutunghayan din ang kwento ng bawat pamilyang kalahok na siguradong kapupulutan ng aral at inspirasyon ng mga manonood.

Mapapanood ang nag-iisang talent competition kung saan bata ang may last say simula ngayong Sabado at Linggo (Setyembre 1 at 2) sa ABS-CBN.