RECIPE: Paksiw na tilapia sa gata | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Paksiw na tilapia sa gata

RECIPE: Paksiw na tilapia sa gata

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa malamig na panahon, angkop ang mainit na putahe tulad ng paksiw pagsapit ng tanghalian o hapunan.

Bukod sa maasim na sangkap tulad ng suka ay puwede ring magdagdag ng ibang sangkap tulad ng gata ng niyog.

Bumisita sa “Umagang Kay Ganda” nitong Miyerkoles ang guest kusinero na si Julio Lara para ibahagi kung paano lulutuin ang paksiw na tilapia sa gata.

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

• 1/2 kilo ng tilapia
• Bawang
• Sibuyas
• Luya
• Gata ng niyog
• Kangkong
• Suka
• Tubig
• Patis
• Siling pansigang
• Mantika

ADVERTISEMENT

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang sibuyas, bawang, at luya.

Ilagay ang suka at hintaying kumulo.

Ilagay ang gata ng niyog at tubig.

Isunod ang tilapia at muling pakuluan.

Kapag malapit nang maluto ang tilapia, ilagay na ang kangkong at siling pansigang.

Timplahan ng patis.

Maaari nang kainin ang paksiw na tilapia sa gata.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.