Naghahanap ka ba ng kakaibang asim sa lulutuing sinigang na bangus?
Maaari kang maglagay ng bayabas dito para lagyan ng masustansiyang twist ang iyong sinigang na bangus.
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles ang guest kusinero na si Bonits Pamintuan para ibahagi kung paano magluto ng sinigang na bangus sa bayabas.
Narito ang mga sangkap:
• Bangus
• Bayabas
• Gabi
• Siling pangsigang
• Kangkong
• Patis
• Tubig
Paraan ng pagluluto:
Pakuluan ang isang litro ng tubig.
Ilagay ang gabi hanggang lumambot.
Isunod ang bayabas.
Ilagay ang bangus at siling pangsigang at pakuluan ng 10 minuto.
Isunod ang kangkong at timplahan ng patis.
Maaari nang ihain ang sinigang na bangus sa bayabas.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Umagang Kay Ganda, UKG, meals, affordable meals, sinigang, sinigang na bangus, sinigang na bangus sa bayabas