ALAMIN: Kuliti, sanhi nga ba ng paninilip? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Kuliti, sanhi nga ba ng paninilip?

ALAMIN: Kuliti, sanhi nga ba ng paninilip?

DJ Arcon,

ABS-CBN News

Clipboard

May kasabihan na kapag ang tao ay naninilip, maaari itong tubuan ng kuliti o stye.

Sa programang "Magandang Gabi Dok," ipinaliwanag ni Dr. Noel Atienza, isang opthalmologist, na walang katotohanan ang kasabihang ito.

Nagkakaroon ng kuliti ang isang tao dahil may pagkakataong pumasok ang mikrobyo sa mga talukap ng mga mata.

"Stye is caused by poor hygiene as far as the eyelid is concern," ani Atienza.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Atienza, may dalawang uri ng kuliti: external stye at internal stye.

Ang external stye o hordeolum externum ay isang uri ng kuliti na matatagpuan sa labas ng talukap ng mata. Ang ganitong klase ng kuliti ay madaling mawala gamit ang antibiotic ointments.

Ngunit, ang internal stye o meibomean inflammation ay tumutubo sa loob ng mga talukap. Ang ganitong klase ng kuliti ay maaaring isailalim sa surgery.

"Kapag tumagal na at kasinlaki ng monggo, ang tawag na ay chalazion, at kailangan itong operahan," ani ng doktor.

"For each eyelid, may 20 glands. Theoretically, each one of them can develop an internal stye," aniya.

Tinatanggal ang internal stye sa pamamagitan ng pagbutas sa may talukap ng mata.

Samantala, maaari ring magkaroon ng kuliti ang mga taong nagpupuyat dahil malakas ang kanilang oil production.

Payo ng doktor na panatilihing malinis ang mga mata upang makaiwas sa kuliti.

"Do not be afraid to wash your eyes dahil natatakot sila na baka masira o mapasma ang kanilang mga mata," ayon kay Atienza.

Kung sakaling magkaroon ng kuliti, i-hot compress lamang ang bahagi ng mata na may kuliti upang umimpis ang mga ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.