RECIPE: Fish steak | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: Fish steak
RECIPE: Fish steak
ABS-CBN News
Published Aug 29, 2018 11:21 AM PHT

Gusto mo bang kumain ng pork steak o beef steak pero isda lang ang laman ng inyong freezer?

Kung walang karneng baboy o baka, maaari mong subukan ang fish steak, na masustansiya ring alternatibo sa pork at beef steak.

Bumisita sa “Umagang Kay Ganda” nitong Miyerkoles ang guest kusinero na si Mart de Belen para ibahagi kung paano gawin ang putaheng ito.

Ihanda lamang ang mga susunod na sangkap:
• 1/2 kilo ng bangus belly
• Sibuyas
• Calamansi
• Luya
• Bawang
• Toyo
• Tubig
• Mantika
• 1/2 kilo ng bangus belly
• Sibuyas
• Calamansi
• Luya
• Bawang
• Toyo
• Tubig
• Mantika
ADVERTISEMENT
Paraan ng pagluluto:
Sa isang kawali, i-prito ang magkabilang bahagi ng bangus belly hanggang sa maging golden brown. Isantabi.

Sa parehong kawali, lutuin ang bawang hanggang maging light brown.

Ilagay ang toyo, tubig, at calamansi juice. Haluin.

Ilagay ang piniritong bangus, luya, at sibuyas. Takluban at lutuin nang 3-5 minuto.

Maaari nang ihain ang fish steak.
Maaari nang ihain ang fish steak.
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Umagang Kay Ganda
recipe
healthy recipes
affordable meals
fish meal
fish steak
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT