Replica ng Murillo Velarde 1734 map tinanggap ng PH Embassy sa Lebanon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Replica ng Murillo Velarde 1734 map tinanggap ng PH Embassy sa Lebanon

Replica ng Murillo Velarde 1734 map tinanggap ng PH Embassy sa Lebanon

TFC News

Clipboard

BEIRUT - Tinanggap ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut, Lebanon ang opisyal na replica ng Murillo Velarde 1734 map, ang unang scientific map ng buong Philippine archipelago.

Mismong si Asian Institute of Journalism and Communication (AIJC) at NOW Group Chairman Mel Velarde ang nag-turn over ng replica ng mapa na tinaguriang “Mother of All Philippine Maps,” kay Third Secretary at Vice Consul Glaiza Quarteros noong August 11.

Nakuha ni Velarde ang sinaunang mapa mula sa Sotheby’s auction sa London noong 2014 at kanya namang binigay bilang donasyon sa gobyerno ng PIlipinas noong 2017 sa pamamagitan ng Deed of Donation.

1
Sina G. Mel Velarde at Vice Consul Glaiza Quarteros sa signing ceremony ng Deed of Donation and Acceptance at turn-over ng opisyal na replica ng Velarde 1734 Map sa Philippine Embassy sa Lebanon. PE Beirut

Dahil sa donasyon, nasa pangangalaga na ng Philippine Embassy sa Lebanon ang isa sa opisyal na replica ng sinaunang mapa na ginamit rin sa The Hague the Netherlands, kung saan inilaban ng namayapang former Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at retired Senior Associate Justice Antonio Carpio panig ng Pilipinas laban sa maritime dispute sa China.

ADVERTISEMENT

Pinasalamatan ni Velarde sa turn-over ceremony ang Philippine Embassy sa Lebanon sa kanilang pagtanggap sa replica na balak nilang i-display sa showroom ng bagong chancery ng Philippine Embassy sa Beirut, upang ipagdiwang ang ikapitong anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa The Hague.

Nais ni Velarde na mas marami pang mga embahada ang magkaroon ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng nasabing mapa sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang Murillo Velarde 1734 Map o Carta Hydrographica y Chorographica de las Yslas Filipinas, ay ginawa sa Maynila noong 1734.

Tinagurian itong “Mother of All Philippine Maps.” Ginawa ni Spanish Jesuit Friar Pedro Murillo Velarde ang mapa, kasama ang dalawang Pilipino, sina Francisco Suarez, ang gumuhit ng mapa, at si Nicolas dela Cruz Bagay, na nag-engrave.

Sa magkabilang gilid ng mapa may anim na larawan ng mga lugar at mga katutubo ng Pilipinas. Mapapansin din sa mapa ang “Panacot” shoal o “Bajo de Masinloc” o tinatawag ding “Scarborough Shoal,” at ang kapuluan ng Spratlys na minsan na ring tinawag noon bilang “Los Bajos de Paragua,” na malinaw na bahagi na noon pa man ng Pilipinas.

Napag-alaman noon ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na isa ang mapa sa 80 pamanang yaman na pagmamay-ari noon ng Duke of Northumberland, Ralph George Algernon Percy at nakatakdang masali sa isang auction ng Sotheby’s London noong November 4, 2014.

Nirekomenda ni Justice Carpio kay Filipino technology entrepreneur at educator na si Mel Velasco Velarde na mag-bid para sa mapa upang mai-display sa isang public museum sa Pilipinas.

Sumali si Velarde at nanalo sa bidding. Naniniwala si Velarde na nararapat lang na mapunta muli sa Pilipinas ang orihinal na mapa, kaya niya ito ibinigay sa gobyerno ng Pilipinas bilang donasyon.

Kasalukuyang nagbibigay ng replica o kopya ng Murillo Velarde 1734 map si Velarde sa iba-ibang government agencies, academic institutions, at private organizations bilang bahagi ng national public awareness campaign tungkol kahalagahan ng nasabing mapa sa pamanang kasaysayan at kultura ng Pilipinas.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Lebanon, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.