Guro sa Batangas, itinturing na 'good samaritan' ng mga estudyante | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Guro sa Batangas, itinturing na 'good samaritan' ng mga estudyante

Guro sa Batangas, itinturing na 'good samaritan' ng mga estudyante

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Isang good samaritan kung ituring ng mga estudyante ang gurong si Noel Sales mula sa Lipa City, Batangas dahil sa pagtulong niya sa mga ito ngayong pandemya.

Mula sa load allowance na nagagamit nila para sa online classes ay naging takbuhan din si titser ng mga estudyante na kapos sa pambayad ng tuition.

Ayon kay Bayan Patroller Arian Amurao — isa sa nabigyan ng weekly load allowance ni Sales — malaki ang naitulong ng proyektong itinatag ng guro sa mga katulad niyang estudyante.

“Noong nagsisimula pa lang ang pandemic, lahat ay hirap. Madami ang nawalan ng trabaho at mapagkakakitaan, isa iyong pamilya ko doon. Kaya naging malaking tulong ang weekly load allowance mula kay Sir Noel,” pahayag ni Amurao.

ADVERTISEMENT

Tatlong semestreng nakatanggap ng weekly load allowance si Amurao mula sa proyekto ni Sales noong 2020 at 2021.

Nakipag-ugnayan ang Bayan Mo, iPatrol Mo kay Sales at ayon sa kanya, noong nakaraang school year ay natigil na ang pamimigay ng load allowance.

Sa halip ay pinalitan ito ng financial assistance na nakatulong sa 15 students mula sa University of Batangas, Lipa campus sa pamamagitan ng pagbabayad ng kanilang tuition.

Sa tulong ng ilang sponsors at kaibigan ni Sales, nabigyan ng P4,000 ang bawat estudyante sa ilalim ng kanilang financial assistance program.

Isa sa natulungan niya ay isang graduating working student na kinailangan ng tulong na pambayad sa balanse ng tuition.

"I reached out to my friends again to help that specific student. All of my friends kasi are really helpful lalo na sa mga working students. My friends abroad particularly in London, he really reach out and collected money from his friend,” pagbabahagi ni Sales.

Nakapagtapos ang esudyanteng ito ng kursong BS Accountancy noong ika-4 ng Agosto.

Para kay Sales, ang pagtulong sa kapwa ay pagpapasalamat din niya sa mga biyayang natatanggap.

Naniniwala din siya na pagdating sa edukasyon ay dapat nabibigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng estudyante. – Ulat ni Leo Jay S. Balani

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.