RECIPE: 'Kanso Bucco'

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2019 10:12 AM | Updated as of Aug 15 2019 10:22 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Naghahanap ba kayo ng kakaibang dish na makakain ngayong tag-ulan? 

Maaari kang gumawa ng Kanso Bucco o pinagsamang "Kansi" at "Osso Buco," isang fusion ng Bacolod at Italian-style na bulalo. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes ang guest kusinero na si Roy Lopez para ibahagi kung paano lutuin ang Kansi Bucco, na isang signature dish ng kaniyang restaurant. 

Narito ang mga sangkap: 
• 1 serving ng kansi
• Sibuyas
• Bawang
• Kamatis
• Carrots
• Tomato sauce
• Cooking wine
• Pamintang durog
• Olive oil
• Dahon ng laurel
• Harina

Paraan ng pagluluto: 

Pakuluan ang nilutong kansi, sibuyas, harina, bawang, kamatis, carrots, tomato sauce, cooking wine, at olive oil.

Lagyan ng pamintang durog ayon sa panlasa at takpan. 

Hintaying kumulo hanggang ang soup o sauce ay matuyo. 

Dagdagan ng kansi broth ayon sa panlasa. 

Hintaying lumambot ang sibuyas, bawang, at kamatis. 

Maaari nang ihain ang Kanso Bucco. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.