Labis na panenermon ng magulang may negatibong epekto ba?

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2019 03:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Likas sa mga magulang na sermonan ang kanilang anak tuwing may magagawa itong mali, para na rin sa ikabubuti ng mga ito.

Pero babala ng isang relationship at parenting expert, may negatibong epekto ang labis na sermon sa mga anak.

Ayon kay Maribel Sison-Dionisio, hindi magiging komportable ang anak na magkuwento kapag ganito ang istilo ng pagdidisiplina sa kanila.

"That is all pointing at the child. Put-down lahat 'yon at siyempre magiging defensive 'yung bata," ani Dionisio sa programang "Sakto" ng DZMM.

"Kaya may mga bata kasi ngayon na ayaw makipagkuwentuhan sa magulang dahil 'nega' daw," dagdag niya.

Mahirap man pigilan ang bugso ng emosyon at pag-aalala, may payo naman si Dionisio kung nais disiplinahin nang maayos ang anak.

Dapat din aniyang hindi "autocratic" o one-sided ang pagpupuna sa anak at maglaan dapat ang magulang ng oras para makapagpaliwanag ang anak.

"Hindi puwedeng sabay na nagdadakdak. We have to take turns," ani Dionisio.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.