Myth busted: Mga pamahiin sa paglilihi na di dapat paniwalaan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Myth busted: Mga pamahiin sa paglilihi na di dapat paniwalaan

Patrick Quintos,
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2017 06:09 PM PHT
|
Updated Aug 10, 2017 07:41 PM PHT

SIYENSIYA SA LIKOD NG PAGLILIHI
MAYNILA - Totoo ang paglilihi pero hindi lahat ng sinasabi tungkol dito ay dapat paniwalaan, ayon sa isang doktor.

Paliwanag ni Dr. Joan Tan-Garcia, isang obstetrician-gynecologist, nangyayari ang paglilihi sa unang 3 hanggang 4 na buwan ng pagbubuntis ng isang babae.

Nagkakaroon aniya ng "hormone surge" o biglaang pagdami ng hormones sa loob ng katawan ng isang babae sa mga panahong ito.

"'Yung first 3 to 4 months 'yun ang usual na paglilihi gawa ng hormones ng isang babae, biglang tumaas," ani Dr. Tan-Garcia.

ADVERTISEMENT
Dahil sa mga pagbabago sa katawan, ayon sa doktora, karamihan sa mga babaeng buntis ay nakakaranas din ng depresyon.

Mahalaga aniya na laging nakasuporta ang mister sa kanyang misis sa kabanatang ito ng kanyang buhay.

"Pag buntis ka, feeling mo bloated ka. With that you are depressed. Gusto mo ng attention, ng loving feeling. Feeling mo ang taba-taba mo na... Kailangan mo ng reassurance galing sa asawa mo na ikaw pa rin ang number 1 sa buhay niya," aniya.

PAMAHIIN VS KATOTOHANAN
Samantala, pinasinungalingan naman ni Dr. Tan-Garcia ang ilang "pamahiin" sa paglilihi at pagbubuntis.

Narito ang ilan:
Narito ang ilan:
Pamahiin: Manood ng mga Coco Martin show habang buntis para guwapo ang anak paglabas.
Katotohanan: Ang magiging itsura ng iyong anak ay nakadepende sa inyong "genes" o lahi.

Pamahiin: Lalaki ang magiging anak kapag umiitim ang batok ng isang buntis.
Katotohanan: Walang kinalaman ang kulay ng batok sa pagbubuntis. Baka kulang ka lamang sa ligo at hilod.

Pamahiin: Kapag matulis ang tiyan ng buntis, lalaki ang anak; kapag mabilog, babae.
Katotohanan: Depende ito sa hugis ng tiyan ng babae. Kapag unang pagbubuntis, palaging matulis ang tiyan dahil makitid pa ang "pelvic bone."

May ilan namang mga sinasabi sa paglilihi at pagbubuntis na totoo ay napag-aralan na sa larangan ng siyensiya, ayon kay doktora.

Kabilang na aniya rito ang sinasabing tatalino ang isang bata kapag nasa sinapupunan pa lang pinaparinig na rito ang classical music.

Sabi ni Dr. Tan-Garcia, nirerekomenda pa ang pagpapakinig ng classical music sa bata hanggang mag-edad ito ng anim.

May katotohanan rin aniya ang sinasabing kung ano ang musikang pinakikinggan ng buntis ay makakahiligan ng magiging anak.