PANOORIN: Kasambahay, napaiyak sa sorpresa ng Syrian vlogger para sa kanyang kaarawan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Kasambahay, napaiyak sa sorpresa ng Syrian vlogger para sa kanyang kaarawan

PANOORIN: Kasambahay, napaiyak sa sorpresa ng Syrian vlogger para sa kanyang kaarawan

ABS-CBN News

Clipboard

Screengrab mula sa YouTube
Screengrab mula sa YouTube

MANILA -- Hindi napigilang maiyak ng kasambahay na si Annie matapos makakuha ng sorpresa galing sa kanyang among Syrian vlogger para sa kanyang kaarawan.

Sa kanyang pinakabagong video sa YouTube, ipinakita ni Basel Manadil, na mas kilala bilang "Hungry Syrian Wanderer," ang kanyang paghahanda para sa espesyal na araw ni Annie.

Kabilang na rito ang pagbili ng birthday cake at pizza, at maraming damit para sa kanyang 51 anyos na kasambahay.

Hindi agad nakapagsalita si Annie, na naluha sa tuwa, nang matanggap ang sorpresa.

ADVERTISEMENT

"Sobrang saya. First time. At maraming regalo. Thank you very much," aniya.

Naging emosyonal din si Manadil nang mapagtanto na unang beses ito na nagdiwang si Annie ng kanyang kaarawan.

"I really felt emotional kanina, mga tao. When we just entered the courtyard, she started crying up in her door. It's like it's her first time ever to celebrate a birthday," aniya.

"It's like she felt something because she's away from her family."

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nitong Hunyo ay ibinahagi ni Manadil na isa na siyang ganap na Filipino citizen.

Higit walong taon nang naninirahan sa Pilipinas ang Syrian vlogger, na nakilala sa pagtulong nito sa mga taong nangangailangan.

Maliban sa pag-vlog, may pinapatakbo ring restaurant at tindahan si Manadil sa bansa.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.