'The Hungry Syrian Wanderer' ganap nang Filipino citizen | ABS-CBN
Lifestyle
'The Hungry Syrian Wanderer' ganap nang Filipino citizen

ABS-CBN News
Published Jun 16, 2021 11:10 PM PHT
|
Updated Jun 17, 2021 08:17 AM PHT
Inamin ng sikat na vlogger at social media personality na si Basel Manadil o mas kilala bilang "The Hungry Syrian Wanderer" na isa na siyang naturalized Filipino citizen.

Sa kaniyang inilabas na vlog kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, sinabi ni Manadil na noon pang 2019 naaprubahan ang kaniyang aplikasyon para maging isang Pilipino.

Ibinahagi niya sa nasabing video ang mismong pag-apply niya ng Philippine passport noong Abril 2019 kasabay ng pag-alala sa mga ginawa niya sa bansa mula noong 2018.

Ayon sa vlogger, itinago muna niya ng dalawang taon ang kaniyang Filipino citizenship upang personal na namnamin ang pagiging isang Pinoy.

ADVERTISEMENT
“When I had this more than two years ago, I wanted to have that moment for myself. I am considered Filipino and my blood is Filipino Plus. So, hindi tayo negative mga tao. It’s a plus,” ani Manadil.

Ikinuwento rin niya na sa kabila ng pagkakaroon ng marangyang buhay sa Syria, mismong magulang niya ang nagpapunta sa kaniya sa Pilipinas dahil sa kaguluhan noon sa kanilang bansa.

“I came from a well-off family. I was born with a silver spoon in my mouth if that’s the term. The war started in Syria. So, my family wanted to send me here to the Philippines to study here,” saad ng vlogger.

Higit walong taon nang naninirahan sa Pilipinas si Basel at patuloy pa rin ito sa pagtulong sa mga taong nangangailangan.

“I just felt like instead of me focusing too much on traveling, going to different areas, different places, I want to help as many people as I can. I can’t help everybody but just help random people that you meet,” paliwanag ni Basel.

Sinagot din nito ang tunay na kahulugan ng kaniyang pangalan na “The Hungry Syrian Wanderer.”

Ayon sa kaniya, gutom siyang mag-ikot upang mas maraming matulungang tao at mas lalo pang makilala ang Pilipinas.

“It only means that I will never get full of the Philippines. So, there’s always something new to discover about this country and this is what I’ll always be doing in the coming years,” pahabol niya.

Minahal ng maraming Pilipino si Manadil dahil kahit hindi dugong Pinoy ay makailang ulit nang tumulong sa mga biktima ng iba’t ibang sakuna sa bansa katulad na lamang noong lumindol sa Mindanao noong 2019.

Nagpamigay ito ng 1,000 kumot at tent para sa mga nawalan ng tirahan dahil sa lindol.

Nang sumabog ang Taal noong 2020, nagpamigay din ito ng pagkain sa mga nabiktima na nasa mga evacuation centers.

Ngunit nito lamang Marso, ikinalungkot ni Manadil ang pagnanakaw sa isa sa kaniyang mga restaurant sa Las Piñas.

Related video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT