TINGNAN: Anahaw leaf art para kay Nesthy Petecio

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2021 01:51 PM

Anahaw leaf art para kay Nesthy Petecio

Sa leaf art idinaan ng isang artist sa Capiz ang pagbibigay-pugay sa pinakabagong Olympic silver medalist ng Pilipinas. 

Sa dahoon ng anahaw iniukit ni Aldrin Jay Celiz ng Barangay Nagba sa bayan ng Cuartero ang imahen ng boksingerang Pinay na si Nesthy Petecio at ang Olympic rings.

Dalawang oras ginawa ni Celiz ang kanyang obra.

Aniya, magandag ehemplo si Petecio sa mga batang may pangarap sa buhay dahil hindi ito sumuko sa kabila ng mga hirap na kanyang pinagdaanan.

Bilang isang artist, pangarap din ni Celiz na makilala balang araw sa larangan ng sining. – ulat ni Rolen Escaniel