TINGNAN: Mandala art ng Pinoy artist sa India | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mandala art ng Pinoy artist sa India

TINGNAN: Mandala art ng Pinoy artist sa India

ABS-CBN News

Clipboard

Tinatangkilik ang gawang Mandala art ng isang Pinoy artist sa Bangalore, India.

Ayon sa Bayan Patroller Michelle Ramos Soliman, apat na taon na siya sa India at taong 2018 nang siya ay nagka-interes na gumawa ng Mandala art, na sinuportahan naman ng asawa niya na isang Indian.

“Ang Mandala po ay isang simbolo ng universe sa mga relihiyong Hindus at Buddhist ... Ang bawat patterns at kulay ay may kanya-kanyang meaning," paliwanag ni Soliman sa kanyang likhang sining.

"Makikita n'yo po 'yung mga gantong disenyo sa mga temple walls dito sa India,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

Gumagawa na si Soliman ng sarili niyang patterns at dito nagsimulang dumami ang mga kliyente niya at nakapag-exhibit na rin sa bansa noong August 30, 2019.

Kwento niya, inaabot siya ng 70 hours sa paggawa ng isang Mandala art gamit ang acrylic paint.

Aniya, bawat detalye kasi ay iginuguhit niya simula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit. Binibili rin sa kanya ito mula 7,000 hanggang 20,000 rupees.

Dahil sa pandemya, hindi na natuloy ang mga nakahanay niyang exhibits sa taong 2020 at wala rin mabibilhan ng materyales pero ngayon unti-unti na siyang nakakagawa ulit.

Masaya si Soliman na tinatangkilik sa bansang India ang mga gawa niya, lalo na at isa siyang Pinoy. Inspirasyon niya rin ang yumao niyang kuya na isa ring artist.

Aniya, dahil din sa kinikita niya sa paggawa ng Mandala art, napag-aral niya ang nakababata niyang kapatid. — Ulat ni Sarah Sales, Bayan Mo, I-Patrol Mo

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.