'Jeepney artists,' nais makahimok ng iba pang magtutuloy ng sining | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Jeepney artists,' nais makahimok ng iba pang magtutuloy ng sining

'Jeepney artists,' nais makahimok ng iba pang magtutuloy ng sining

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nasaksihan ng 85 anyos na si Crising Legaspi ang simula ng kasaysayan ng jeep sa Pilipinas pagkatapos ng World War II.

Sa katunayan, naging kabuhayan na ni Legaspi ang pagiging jeepney arist o pintor ng mga jeep, na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin niya sa isang pagawaan ng jeep sa Las Piñas.

"Noong araw, bago ako natuto nito, nagse-spray ako at nagmamasilya," kuwento niya.

Kahit nanginginig ang mga kamay dulot ng edad, matiyaga pa ring nagpipinta si Legaspi, karaniwan ay mga letra at makukulay na guhit.

ADVERTISEMENT

"Merong guhit ng [mukhang] Volkswagen, ako yung nagpauso niyan eh," aniya.

Mistulang kuwadro naman para kay Nardo Dela Cruz ang mga bahagi ng jeepney na pinipintahan niya ng mga magagandang tanawin tulad ng bukirin at palaisdaan.

"Bumabalik 'yung mga nakaraan eh. Di mo na makikita ngayon, lalo na iyong asinan," aniya.

Inaabot umano si Dela Cruz, 65, ng tatlong araw bago matapos ang pagpinta sa isang jeep.

Sina Legaspi at Dela Cruz na lang ang natitirang mga tradisyonal na pintor ng jeep sa pinagtatrabahuhang pagawaan ng jeep sa Las Piñas.

Kampante sila na mananatili ang ganoong uri ng hanapbuhay kahit pa may utos na gawing moderno ang jeep sa bansa.

Naniniwala din ang jeepney manufacturer na si Ed Sarao na puwedeng mapanatili ang mga nakasanayang disenyo ng mga jeep.

"Puwede din natin i-incorporate 'yung mga traditional details ng traditional jeepney sa modern jeepney," aniya.

Plano nilang makahimok ng iba pang mga artista tulad ng pintor at craftsmen para maipagpatuloy ang kultura ng pagpipinta sa jeep sa bansa.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.