RECIPE: Ginataang manok with papaya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Ginataang manok with papaya

RECIPE: Ginataang manok with papaya

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Swak na swak ngayong tag-ulan ang mga mainit at masasabaw na pagkain.

Kaya naman maaari mong subukang magluto ng ginataang manok with papaya na makrema, malasa, at masustansiya pa.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Huwebes ang guest kusinero na si Teddy Topuz para ibahagi kung paano magluto ng ginataang manok na may papaya.

Narito ang mga sangkap:
• Manok
• Sili
• Siling berde
• Kakang gata
• Tanglad
• Dahon ng malunggay
• Papaya
• Luya
• Mantika
• Bawang
• Sibuyas
• Patis
• Chicken stock

ADVERTISEMENT

Paraan ng pagluluto:

Maggisa ng bawang, sibuyas at luya bago isangkutsa dito ang manok.

Pagkatapos isangkutsa, isama na ang sili, papaya, tanglad at chicken stock. Haluing mabuti.

Pagkahalo, ilagay ang kakang gata. Hayaan nang 15 hanggang 25 para mapalakas ang lasa ng gata sa manok.

Ilagay ang dahon ng malunggay, isang minuto bago hanguin sa kalan.

Maaari nang ihain ang ginataang manok with papaya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.