ALAMIN: Ano'ng nangyayari sa batang kulang sa tulog? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Ano'ng nangyayari sa batang kulang sa tulog?

ABS-CBN News
Published Jul 24, 2019 05:41 PM PHT

Nagbabala ang isang eksperto na may mga masamang epekto sa wisyo at katawan ng bata ang kakulangan sa tulog.

Ayon kay Clarissa Ligon, isang family life and child development expert mula sa Miriam College, may epekto sa mood ng bata ang kakapusan sa oras ng tulog.

"Paggising, maaari nang magkaroon ng tantrums, may sumpong, wala na sa hubog at sa paggising sa umaga nadadala na ito ng bata hanggang sa pagpasok niya sa school," ani Ligon sa programang "Sakto" ng DZMM.

Ipinaliwanag ni Ligon na mas mahirap sa mga bata na kontrolin ang kanilang mga emosyon, kumpara sa mga matatanda na.

ADVERTISEMENT
Kung laging kulang sa tulog ang bata, maaari rin itong hindi lumaki nang husto, dagdag niya.

Labing-isa hanggang 13 oras na tulog kada araw ang rinerekomenda para sa batang nasa pre-school, habang 10 hanggang 11 oras naman kada araw ang rinerekomenda sa mga nasa elementarya, ayon sa National Sleep Foundation.

Pero ayon kay Ligon, hindi naman daw araw-araw ito dapat sundin.

"Dapat maging realistic din po tayo. Depende rin (ito) sa mga kailangang gawin bago matulog," ani Ligon.

May mga tips din ang eksperto para mas mapadaling patulugin ang anak, lalo na sa gabi.

Mainam aniya na palaruin ang anak sa labas nang hapon para makatulog ito nang mahimbing sa gabi. Pero dapat hindi raw masyadong pagurin ang bata.

Dapat din daw hindi na pinagna-nap o tulog sa hapon ang anak na 3 hanggang 5 anyos para madali itong makatulog sa gabi.

Bago matulog, dapat din daw gumawa ng mga itinuturing na "relaxing activities" kasama ang anak gaya ng pagbabasa.

Huwag din aniyang gumamit ng cellphone o manood ng telebisyon dalawang oras bago matulog at huwag din bigyan ng matatamis na pagkain ang bata.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
tulog
sleep
sleep deprivation
National Sleep Foundation
sleep for kids
tulog ng bata
hours of sleep
sleeping time
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT