'Maghahanap ng paraan': Film rescue project ng ABS-CBN sisikaping manatili | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Maghahanap ng paraan': Film rescue project ng ABS-CBN sisikaping manatili

MJ Felipe,
ABS-CBN News
Published Jul 22, 2020 08:47 PM PHT
|
Updated Jul 23, 2020 08:44 AM PHT

MAYNILA — Ikinalungkot ng mga taga-film industry, maraming netizens, at karaniwang Pinoy ang napipintong pagtigil ng "Sagip Pelikula" project ng ABS-CBN Film Restoration team dahil sa pagpatay sa prangkisa ng network.

Taong 2011 nang magsimula ang restoration project ng ABS-CBN.
Ang classic Ishmael Bernal movie na "Himala" ang isa sa mga unang na-restore, nabigyang buhay at kulay, at nag-world premiere pa sa Venice Film Festival.

Mula noon, naka-185 pelikula na ang kanilang nasasalba. Pinaka-latest ang "Markova" ni Comedy King Dolphy at "Minsan Lang Kitang Iibigin."

Sa isang vault nakatabi at naka-preserve ang mahigit 25,000 na materyales, mapa-film, tape o hard drive ng mahigit 3,000 na pelikula. Humidity at temperature-controlled ang lugar para hindi masira o ma-expose ang materyal.

Mabusisi ang proseso ng film restoration. Milyones ang ginagastos at buwan o taon ang ginugugol na oras.

Pero sulit ito ayon kay Leo Katigbak, pinuno ng unit, dahil binibigkis ng mga pelikula ang iba’t ibang henerasyon at pinapaalala ang mga aral ng kasaysayan.

"It was an opportunity for the young people to discover the classics, kasama rin ito sa pagpunta namin sa mga paaralan," ani Katigbak.

Giit ni Katigbak, sisikapin nilang masagip ang kanilang operasyon kahit pa posibleng wala na silang matanggap na pondo mula sa ABS-CBN.

"We are trying to find a way to save the project... Literally wala nang funding for the project, maghahanap pa kami ng paraan. Since magsasara tayo ng August 31, let’s see kung magagawan natin ng paraan."

Dahil sa pagpatay sa prangkisa ng ABS-CBN ng 70 kongresista, hindi lang pagkitil sa kabuhayan at malayang pamamahayag ang kanilang ginawa kundi pati pagputol sa tulay ng mga henerasyon sa pamamagitan ng sining at kultura.

Sakaling wala nang pag-asang maisalba pa ang proyekto, ito lang ang hiling ni Katigbak:

"At the very least man lang, mapangalagaan itong ating archives. Kasi hindi biro na ito ay naitago. Ayaw namin ang mangyari yung nangyari nung sinakop ang ABS-CBN noong martial law. Na-destroy lahat ng kopya ng lahat ng ginawa ng ABS-CBN."

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
ABS-CBN
ABS-CBN franchise
prangkisa
Sagip Pelikula
ABS-CBN Film Restoration
TV PATROL
TV PATROL TOP
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT