ALAMIN: Gaano karaming prutas ang maaaring kainin ng diabetic | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Gaano karaming prutas ang maaaring kainin ng diabetic

ABS-CBN News
Published Jul 10, 2019 04:44 PM PHT

MAYNILA — Kasama sa mga ipinapayo ng doktor sa taong may diabetes ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain.

Pero babala ng endocrinologist na si Dr. Charlene Ann Balili, dapat limitahan nila ang pagkain ng prutas sapagkat likas dito ang asukal, na bawal sa mga diabetic.

"Pagdating sa prutas, may asukal din ang prutas, so ang lagi kong sinasabi na puwede ang isang klase ng prutas kada meal, tatlong beses sa isang araw," ani Balili sa programang "Good Vibes" ng DZMM nitong Miyerkoles.

Kung kakain aniya ng pabilog na prutas gaya ng orange, kasing laki lang dapat ito ng palad ng pasyente.
Kung kakain aniya ng pabilog na prutas gaya ng orange, kasing laki lang dapat ito ng palad ng pasyente.
ADVERTISEMENT
Kung kakain naman ng ubas ay maaaring kumain ng 10 maliliit na piraso nito.

Hindi naman ipinapayo ni Balili ang pagkain ng mangga dahil mas marami umano itong asukal kaysa sa ibang prutas, mapa-hilaw man o hinog.

Pero kung gusto talagang kumain ng mangga ay dapat katumbas lang ng kalahating pisngi ng prutas ang puwedeng kainin.