RECIPE: Fried mixed vegetables | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Fried mixed vegetables

RECIPE: Fried mixed vegetables

ABS-CBN News

Clipboard

Tipid ngunit masarap, madaling kainin at lutuin, at higit sa lahat, masustansIya. Ito ang ideyal na ipabaon sa mga anak at ipakain sa pamilya.

Isa sa mga putaheng ito na siguradong ma-e-enjoy ng mga bata at maging ng mga matatanda ay ang fried mixed vegetables.

Upang simulan ang paggawa sa fried mixed vegetables, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

1 tasang arina
4 kutsara ng tinunaw na mantekilya
1/2 tasang tubig na pinagkuluan ng atsuete
iodized salt
2 tasang ginadgad na papaya
2 tasang ginadgad na kalabasa
2-3 tasang mantika

ADVERTISEMENT

Unang ilagay sa isang bowl ang harina at melted butter, saka lagyan ng tubig na pinagkuluan ng atsuete.

Dagdagan ito ng iodized salt at kaunting tubig.

Haluin hanggang maging makapal ang consistency nito, saka ilagay ang papaya at kalabasang ginadgad.

Kumuha ng isang kutsara ng mixture na ito at bilugin.

Iprito ang mga ito hanggang maging golden brown.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.