ALAMIN: Bakit madalas ang ubo, sipon kapag tag-ulan? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Bakit madalas ang ubo, sipon kapag tag-ulan?

ALAMIN: Bakit madalas ang ubo, sipon kapag tag-ulan?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mas madalas tayong dapuan ng ubo o sipon kapag tag-ulan o rainy season.

May paliwanag sa likod nito, ayon sa pulmonologist na si Maricar Limpin sa "Good Vibes" ng DZMM.

Ayon kay Limpin, ang sipon o common cold ay sanhi ng pagkakaroon ng rhinovirus, na mas mabilis kumalat tuwing malamig ang panahon.

"'Pag kasi sa ganitong panahon, mas may tendency sila na mas nabubuhay at mas mabilis na dumadami," ani Limpin.

ADVERTISEMENT

"The cold per se is not really the reason why we are getting infection. It only provides an environment na mas mabilis maging virus," dagdag niya.

Ayon pa kay Limpin, mas madaling makuha ang sipon kung mahina ang katawan ng tao.

Ipinapayo ng doktor na agad na bigyang pansin ang ubo at sipon para hindi ito lumala.

Maaaring mauwi, ayon kay Limpin, sa mas malalang sakit gaya ng pneumonia ang ubo at sipon kapag bumaba na ang virus na nakuha sa baga ng pasyente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.