DENR balak dalhin ang Miss Earth sa Boracay reopening | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DENR balak dalhin ang Miss Earth sa Boracay reopening

ABS-CBN News
Published Jul 05, 2018 10:39 PM PHT
|
Updated Jul 06, 2018 09:48 PM PHT

Imbes na mga kandidata ng Miss Universe, tila Miss Earth 2018 beauties na ang rarampa sa reopening ng Boracay sa Oktubre matapos ang pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Environment Secretary Roy Cimatu kamakailan.

Nauna nang napabalita na sa Boracay gaganapin ang Miss Universe kasabay ng nakatakdang pagbubukas ng isla ngunit naudlot ang proyekto dahil sa isyu ng funding.

Sa halip, mga kandidata na ng Miss Earth ang napipisil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang pasinayaan ang Boracay reopening.

"Happy kami na dumating sila (Miss Earth Organization)...Baka dalhin ang pageant du'n [because] I invited them," ani Cimatu.

ADVERTISEMENT
Nauna nang nakipag-ugnayan ang Miss Earth Organization kay Duterte para sa sari-saring environmental campaign ng pageant.

Sinuportahan din umano ng Pangulo ang pagtulong ng Miss Earth beauties sa DENR at sa environment advocates na sina Gina Lopez at Cecille Alvarez.

"Secretary Roy Cimatu is a good friend of ours, so we're happy to collaborate with them in various campaigns," ani Miss Earth 2017 Karen Ibasco.

Isusulong umano ng organisasyon ang Boracay protection campaign upang tuluyan nang maisaayos ang isla.

Sakaling matuloy, pangalawang pagkakataon nang idaraos ang Miss Earth sa Boracay. Taong 2009 nang huling gawin ang prestihiyosong pageant sa isla.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
pageant
Miss Earth
Boracay
Miss Earth 2018
Miss Universe
kalikasan
Roy Cimatu
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT