ALAMIN: Para saan ang senior citizen's ID? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Para saan ang senior citizen's ID?

ALAMIN: Para saan ang senior citizen's ID?

ABS-CBN News

Clipboard

Sa oras na umabot ng 60 taong gulang, itinuturing nang senior citizen ang isang mamamayan ng Pilipinas.

Kasama sa pagiging senior citizen ang pagkakaroon ng mga pribilehiyo at benepisyo na maaaring makuha sa ilalim ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Bago naman makuha ang mga ito, mahalagang maproseso agad ang senior citizen's ID na kailangang ipakita upang makuha ang espesyal na diskuwento at iba pang benepisyo.

Para makakuha ng senior citizen's ID, kailangang ihanda ang mga sumusunod na requirement:

- Application Form mula sa Office of Senior Citizens Affairs ng inyong bayan
- Recent 1x1 photo
- Photocopy ng ID na nagsasaad ng petsa ng kaarawan gaya ng:
* Driver's License
* NBI Clearance
* Police clearance
* Postal ID

ADVERTISEMENT

Kapag nakumpleto na ang mga ito, isumite lamang ito sa Office of Senior Citizen Affairs.

Kapag naproseso na ito, puwede na itong ipakita sa mga establisyimento para i-avail ang mga benepisyo.

Ilan sa mga benepisyong ito ang pagkakaroon ng 20% diskuwento sa iba-ibang serbisyo gaya ng medical at dental services sa mga pribadong pasilidad, funeral services sa pagkamatay ng senior citizen, mga fast food chain at restawran, mga pampublikong sasakyan, at maging ang panonood sa sinehan.

Maaari ring gamitin ang ID sa mga transaksiyon sa mga bangko at tanggapan ng gobyerno.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.