Paano dapat binibigyan ng payo ang anak? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano dapat binibigyan ng payo ang anak?

ABS-CBN News
Published Jun 27, 2019 02:58 PM PHT

MAYNILA — Sa panahon ngayon ay tila tumataas na ang bilang ng mga kabataan na bumababa ang kumpiyansa sa sarili, dahilan para magkaroon ng samu't saring isyu sa kanilang mental health.

Sanhi umano ito ng takot na mabigo o masabihan ng masasamang bagay, partikular na ng mga magulang.

Ayon sa psychologist at guidance counselor na si Geraldine Josefina Sayo, mahalaga ang tamang pamamaraan sa pagbibigay ng payo sa anak.

Ani Sayo, dapat masinsinan ang pagbibigay ng payo sa anak. Sa ganitong pamamaraan aniya, hindi ipinamumukha sa anak na nabigo siya.

Mahalaga ring suportahan ng magulang ang mga hakbang na nais tahakin ng anak.

"Importante na naka-hands on ka talaga, mabuting intindihin 'yung sinsasabi niya, 'yung mga pinapahiwatig niya," ani Sayo sa "Sakto" ng programang DZMM.

"For example, kapag nade-depress, sensitive masyado sila (anak) na feeling nilang pinagkakaisahan sila palagi," dagdag ni Sayo.

Paliwanag ni Sayo na parte ito ng komunikasyon sa pagitan ng magkakamag-anak, na mahalaga sa pagbuo ng tiwala sa isa't isa pagdating sa mga pagsubok na maaaring dumating sa anak.

Dumami na rin kasi umano ang nade-depress na kabataan dahil hindi natutugunan o napapakinggan ng magulang ang hinaing nila.

Dagdag niya, mahalagang unawain ang anak dahil sa panahon ngayon aniya ay mas gusto ng kabataan na may poder sila sa kanilang desisyon.