Gowns na gawa sa recycled materials, bida sa Dapitan 'trashion show' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gowns na gawa sa recycled materials, bida sa Dapitan 'trashion show'

Gowns na gawa sa recycled materials, bida sa Dapitan 'trashion show'

Dynah Diestro,

ABS-CBN News

Clipboard

DAPITAN CITY, Zamboanga del Norte—Ibinida sa isang "trashion show" competition sa Dapitan City ang mga gown at cocktail dress na gawa sa recycled materials.

Nagpasiklaban ang mga local designer sa pagdisenyo gamit ang mga bote ng softdrinks, sako, diyaryo at iba pa.

Ayon kay Dapitan City tourism officer Apple Marie Agolong, layunin nilang maengganyo ang mga residente na mag-segregate ng kanilang basura at bilang suporta na rin sa programang "Say No To Single-Use Plastic."

"Dapitan is already in the point of having problems with trash. One way is to introduce trashion—trashion means having fashion, having fashionable clothes out of trash materials," aniya.

ADVERTISEMENT

Inuwi ng Pagadian Ganus Desiños ang una, pangalawa, at ikalimang parangal. Third placer naman si Philip Parama mula Dipolog City habang fourth placer ang gawang gown ng 'D Creative Flowers ng Dapitan City.

Bukod sa trashion show competition, plano rin ng lokal na pamahalaan na magsagawa ng trash art.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.