Mura na, natural pa: Nature spa, dinarayo sa Compostela Valley | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mura na, natural pa: Nature spa, dinarayo sa Compostela Valley

Mura na, natural pa: Nature spa, dinarayo sa Compostela Valley

Hernel Tocmo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 22, 2018 05:03 PM PHT

Clipboard

MACO, Compostela Valley - Isang lugar sa bayan na ito ang nagbibigay ng kakaibang spa experience sa mga naghahanap ng adventure.

Isang oras ang layo mula sa Davao City, isa sa mga dinarayong tourist attractions sa Barangay New Leyte ay ang Mainit Sulfuric Hot Spring.

Sa naturang bayan din matatagpuan ang isa sa 22 na aktibong bulkan sa bansa, ang Mt. Leonard Kniazeff.

Ang tubig mula sa hot springs ay dumadaloy sa mga bato na nagsisilbing tila waterfalls.

ADVERTISEMENT

Bukod pa diyan, nagaalok din ang mga lokal na residente ng serbisyong masahe sa mismong gitna ng natural hot sulfuric spring.


Hindi rin kinakailangang gumastos ng malaki para ma-enjoy ang adventure na ito.

Halagang P10 lamang ang entrance fee habang sa mga nais magpa-masahe, nagkakahalaga ito ng P100 hanggang P250 lamang.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.