PatrolPH

RECIPE: Tumbong soup ng Tondo

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2018 04:57 PM

Watch more on iWantTFC

Sa pagsisimula ng tag-ulan, swak na swak na pampainit ang paghigop ng malinamnam na sabaw.

Kaya naman sa Tondo ay patok ang sabaw ng tumbong na isang parte ng bituka ng baboy. 

Bumisita sa programang "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes ang guest kusinera na si Jasmin Bautista upang ibahagi ang pagluluto ng tumbong soup.

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

• 1 kilo ng tumbong ng baboy
• 5-8 tasa ng tubig
• 1 kutsarita ng pritong bawang
• 1 kutsarita ng dahon ng sibuyas
• Asin

Narito ang paraan ng pagluluto:

Hugasan nang maigi, baligtarin, at tanggalin ang dumi ng tumbong ng baboy.

Muling hugasan at pahiran ito ng asin.

Pakuluan sa tubig nang isang oras at itapon ang pinagpakuluan.

Muling pakuluan ang tumbong hanggang sa lumambot ito.

Kapag malambot na ay hiwain ito nang maliliit.

Timplahan ito ng asin, bawang, at dahon ng sibuyas.

Lagyan ng sabaw ng pinagpakuluang tumbong.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.