Normal ba ang pagbaluktot ng ari ng lalaki? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Normal ba ang pagbaluktot ng ari ng lalaki?

ABS-CBN News
Published Jun 19, 2017 12:06 AM PHT
|
Updated Jun 19, 2017 01:07 AM PHT

Maaaring magkaroon ng mga scar tissue o kalyo sa ilalim ng balat ng ari ng lalaki na nagiging sanhi ng pagbaluktot nito.

Tinatawag na Peyronie's Disease ang kondisyon kung saan hindi diretso ang ari ng lalaki.

Paliwanag ni Dr. Bles Salvador, ang sakit na ito sa ari ng lalaki ay dahil sa mga naninigas na hibla ng laman at scar sa ilalim ng balat ng ari.

"Isa po itong sakit sa ari ng lalaki kung saan hindi na po diretso kundi parang kuba, nakabaluktot, letter C, letter J, ganyan po at dahil po ito sa nanigas na plaques," ani Salvador.

ADVERTISEMENT
Maaaring pakaliwa o pakanan ang pagbaluktot ng ari ng lalaki, depende sa kung saang direksyon ang paghila ng mga nanigas na hibla ng laman.

"Iyan po iyong mga nanigas na mga fiber o mga hibla ng laman at scar, parang kalyo na right beneath the skin, sa ilalim mismo ng balat ng ari ng lalaki at dahil dito, bumabaluktot ito pakanan, pakaliwa, or anuman ang posisyon ng paghila ng mga fibers na ito," paliwanag ni Salvador.

Maaring mabaluktot ang ari ng lalaki dahil sa trauma.

"Ang ibig sabihin ng trauma, nasaktan... siguro sinuntok o pinitpit ng isang matigas na bagay. This causes bleeding inside. So magkakaroon po ng pagdurugo sa loob, and eventually titigil iyong pagdurugo at magkakaroon ng matigas na laman na ang tawag nga po natin ay parang kalyo o scar tissue at iyon ang nagiging dahilan kung bakit hindi na diretso at nagiging baluktot na ang ari ng lalaki," paliwanag ni Salvador.

Maaaring makaramdam ng sakit ang mga lalaking may Peyronie's Disease. Maaari rin itong maging sanhi ng erectile dysfunction.

Ayon kay Salvador, may mga gamot na maaaring inumin para mabawasan ang paninigas ng mga hibla ng laman sa ilalim ng balat ng ari. Mayroon ring mga gamot na ibinibigay para mabawasan ang pananakit nito.