Ihawan sa Davao, pasok sa World Street Food Masters List | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ihawan sa Davao, pasok sa World Street Food Masters List

Claire Cornelio,
ABS-CBN News
Published Jun 14, 2017 09:28 AM PHT
|
Updated Jun 14, 2017 10:17 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
DAVAO CITY – Pasok bilang ika-46th sa Top 50 ng World Street Food Masters List ang Doods Ihaw-ihaw na matatagpuan sa Davao City.

Isa ito sa 5 kainan sa Pilipinas na lusot sa listahan na binibida ang masasarap na street food sa bansa.

Hindi makapaniwala si Bing Felix, ang may-ari ng kainan, sa pagkilala sa kanilang sinugbang isdang tuna.

Ayon kay Felix, mula sa panga at collar bone ng big eye tuna na galing sa General Santos City ang gamit nilang isda para dito.

Ibinabad muna nila ang tuna sa bawang, kalamansi at sikreto pa nilang sahog bago nila ito isugba sa uling. Habang niluluto, nilalagyan din nila ito ng kanilang sikretong sauce upang mas lalong sumarap.

Labindalawang taon na ang kanilang negosyong ihaw-ihaw na tinangkilik ng mga Dabawenyo dahil mabibili lamang sa halagang P120 hanggang P220 ang kanilang sugbang tuna, depende sa laki.