Kasaysayan, mabibisita at ‘matitikman’ sa bahay ng ‘Katipunero’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kasaysayan, mabibisita at ‘matitikman’ sa bahay ng ‘Katipunero’

ABS-CBN News
Published Jun 12, 2017 11:04 PM PHT
|
Updated Jun 13, 2017 03:41 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Bukod sa sikat na bakasyunanan, mayaman din sa kultura ang bayan ng Taal sa Batangas.

Isa sa mga itunuturing na makasaysayang lugar doon ang antigong bahay ng pamilya Goco. Itinayo ang bahay noong 1876, mahigit 100 taon na ang nakalilipas, at panahon pa ng mga Kastila. Bahay iyon ni Juan Cabrera Goco, ang ingat-yaman o treasurer ng Katipunan.

Ngayo’y nasa pangangalaga ito ng apo ni Juan Cabrera na si Pio Goco. Taong 1999 nang isaayos ng mga magulang ni Pio ang bahay. Noong 2001, idineklara iyong ‘National Ancestral House’.

Noong panahong iyon din sinimulan ni Pio na ayusin ang bahay na sa una'y pampalipas oras o ‘hobby’ niya lang. Hanggang sa nagbibigay na siya ng weekend tours noong 2013 para maibahagi ang kultura at pamana ng kaniyang ninuno. Nang dumami na ang mga gustong bumisita, naging araw-araw na ang schedule.

Ayon kay Pio, marami siyang mga naungkat na natagong gamit mula sa kaniyang mga magulang at ninuno. Kabilang sa mga nahanap niyang natatagong yaman ng bahay ang mga antigong kubyertos.

Ginamit pa raw iyon ng kaniyang mga ninuno tuwing may pagtitipon o okasyon. Kaya di malayong ginamit din ang mga kubyertos ng mga rebolusyonaryo noon. Ngayon, ipinapagamit na rin ito sa mga sumasama sa tour ng matandang bahay. Tampok din kasi sa tour ang pagsasalo sa hapag para matikman ang iba't ibang nakasanayang lutong Taalenyo.

Bukas ang Goco ancestral house mula alas-11 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. May entrance fee itong P1,500.

-- Ulat ni Migs Bustos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Bandila
Migs Bustos
Taal
Batangas
Juan Cabrera Goco
Pio Goco
national ancestral house
tour
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT