Pamilyang tumira sa kulungan ng baboy, nakapagpatayo ng sariling bahay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pamilyang tumira sa kulungan ng baboy, nakapagpatayo ng sariling bahay

Pamilyang tumira sa kulungan ng baboy, nakapagpatayo ng sariling bahay

Dianne Dy,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 11, 2022 01:04 PM PHT

Clipboard

Photos courtesy of Raymond Soledad
Photos courtesy of Raymond Soledad

Para kay Raymond Soledad, 33, ng San Mateo, Rizal, walang imposible sa taong may sipag, tiyaga, determinasyon at pananalig sa Diyos.

Ito umano ang naging sandata niya para maabot ang pangarap sa buhay para sa kanyang pamilya.

Mula sa maliit na barong-barong na may sukat na 6 metro kwadrado na dating kulungan ng baboy, nakapagpatayo na si Raymond ng sariling bahay.

Photo courtesy of Raymond Soledad
Photo courtesy of Raymond Soledad

Kwento ni Raymond, sa loob ng isang taon nagtiis silang tumira sa kulungan ng baboy kung saan buntis pa ang kanyang misis hanggang sa nanganak.

ADVERTISEMENT

"Share ko lang po kahit nakakahiya. Nagsimula kami ng misis ko dito sa maliit na barong-barong (6 sqm.). Kulungan po ito ng baboy, nilinis lang namin para may matirhan kami ng walang babayaran na renta dahil wala po kaming pera or ipon nun. Dito kami tumira ng 1 taon hanggang manganak yung misis ko," ani Raymond sa kanyang post sa Facebook Homebuddies group.

Hindi rin umano madali ang pagtira nila dito. Sinubok sila nang magkaroon ng malakas na ulan at nasira ang bubong kaya pansamantalang tolda ang kanilang naging silungan.

"Isang gabi, madaling araw nun, umulan ng malakas. Nasira 'yung bubong, bumagsak 'yung insulation na nilagay ko sa yero kasama ang tubig ulan at mga maliit na daga. Naglagay lang ako ng tolda sa bubong para 'di mabasa 'yung baby namin. Nakakalungkot ang hirap pala mag pamilya ng 'di kayo handa. Kaya simula nun nangarap kami ng asawa ko na magkaroon ng mas maayos sa matutuluyan para sa anak namin," aniya.

Nagtratrabaho bilang pest controller si Raymond.

Sa limang taon nilang pagsasama nakaipon at nakapagpatayo sila ng sariling bahay. "Sa loob ng 5 taon naming pagsasama, nagtrabaho kami mabuti, nag-ipon, at ito na nga, nagkaroon na din kami ng sariling bahay, simple at maliit lang. Pero sobrang thank you, Lord, dahil tinulungan niya kaming pamilya."

Payo ni Raymond, huwag mawalan ng pag-asa at sana'y magsilbi na inspirasyon ang kanyang kwento sa buhay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.