Portuguese pocketbook edition ng Noli Me Tangere, mababasa na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Portuguese pocketbook edition ng Noli Me Tangere, mababasa na

Portuguese pocketbook edition ng Noli Me Tangere, mababasa na

TFC News

Clipboard

LISBON - Inilunsad kamakailan ang kauna-unahang Portuguese pocketbook edition ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal sa tulong ng Penguin Random House Grupo Editorial Portugal sa Livraria Almedina sa Lisbon, Portugal.

Naging posible ang pagsalin at paglimbag ng nobela ni Rizal sa wikang Portuges sa pagtutulungan ng Philippine Embassy sa Portugal, Faculty of Social and Human Sciences, at ng Center for the Humanities (CHAM) ng Universidade Nova de Lisboa.

1
PE Lisbon

Sa book launch ng Noli Me Tangere Portugese edition, idiniin ni Philippine Ambassador to Portugal, Celia Anna Feria, ang kahalagahan ng pagsalin ng Noli Me Tangere sa iba’t-ibang wika, kasama na rito ang Portuges na may 280 milyong katao sa mundo na nagsasalita at nakakaintindi ng lengwaheng ito.

Ang pagsalin ng Noli Me Tangere sa Portuges ay naging posible sa suportang ibinigay ni Senator Franklin Drilon noong 2021.

ADVERTISEMENT

“The Philippine Embassy's commitment to spreading knowledge and understanding of the Philippines in Portugal is an important step towards fostering people-to-people exchanges between Filipinos and Portuguese. By publishing this book in Portuguese, the Philippine Embassy hopes to further promote cultural exchange and deepen understanding between the Philippines and Portugal,” sabi ni Ambassador Feria.

Dumalo ang mga opisyal ng Portuguese Ministry of Foreign Affairs, Instituto do Oriente, mga kinatawan ng mga paaralan at media, at mga kinatawan ng Filipino community sa Lisbon ang book launch.

Ang kauna-unahang Portuguese pocketbook edition ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal's Noli Me Tangere ay mabibili na sa bookstores at online platforms sa Portugal.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Portugal, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

(Thumbnail image courtesy of Penguin Random House Grupo Editorial)

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.