Mga beach resort sa Glan, muling binuksan sa mga turista | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga beach resort sa Glan, muling binuksan sa mga turista

Yen Mangompit,
ABS-CBN News
Published Jun 03, 2020 10:31 PM PHT

GLAN, Sarangani - Muling binuksan sa mga turista ang mga beach resort sa bayan ng Glan sa Sarangani.

Sa bisa ng Executive Order Number 25, Series of 2020 ni Mayor Vivien Yap, pinapayagan na niyang magbukas ang mga tourist destinations simula nitong Hunyo 1.

Pinapayagan nang pumunta sa mga beach resort ang mga residente ng Sarangani province at General Santos City. Dapat rin na mayroong reservation o appointment bago bumisita sa mga resort.

Kasama rin sa mga patakaran ang pagsunod sa physical distancing at pagsusuot ng face mask pagpasok sa resort.
Kasama rin sa mga patakaran ang pagsunod sa physical distancing at pagsusuot ng face mask pagpasok sa resort.
ADVERTISEMENT
Limitado rin lang sa 50 porsyento ang puwedeng kapasidad ng mga resort.

Ayon kay Yap, susubukan nila ang ganitong sistema sa loob ng 2 linggo bago magdesisyon kung bubuksan na rin ang bayan sa mga turista mula sa ibang lalawigan.

"This is just in 2 weeks time tapos ire-reevaluate natin ulit kung bubuksan na rin ba natin sa ibang probinsya dito sa Region 12," aniya.

Kilala ang bayan ng Glan sa mga white sand beaches nito. Isa rin ito sa mga kilalang tourist destinations sa rehiyon.

Kasalukuyang nasa ilalim ng modified general community quarantine ang Glan.