‘PBB’ finalist Michael Ver sumabak sa pageant Mister International PH | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘PBB’ finalist Michael Ver sumabak sa pageant Mister International PH

‘PBB’ finalist Michael Ver sumabak sa pageant Mister International PH

Mario Dumaual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 02, 2022 09:32 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Agaw-atensyon ang fresh “Pinoy Big Brother” (PBB) graduate na si Michael Ver Comaling sa hanay ng 33 candidates ng Mister International Philippines na pinakilala sa media, Martes sa Okada Hotel Manila.

Watch more News on iWantTFC

Nakilala sa “PBB” bilang Mr. Pentastik ng Leyte, nagpasya si Comaling na lumaban sa pageant para patunayan muli ang kanyang sarili.

“Natutunan ko kay Kuya na your greatest loss is also your greatest victory,” sabi ng 21-year-old na atleta sa ABS-CBN News.

“Kaya binalikan ko ang pageantry dahil this is a another platform to push my advcocacies sa sports and wellness,” dagdag ni Comaling na matatandaang hinirang na isa sa top 5 ng adult edition ng “PBB.”

ADVERTISEMENT

Pinabalik siyang muli sa Bahay Ni Kuya nitong Mayo bilang wildcard para harapin ang final challenge sa “PBB” kasama sina Madam Inutz, Brenda Mage, at Zach Guerrero. Proud siya sa naabot niya sa “PBB” gayundin sa pagkapanalo ni Anji Salvacion bilang grand winner.

Mabuti rin daw na nagtugma ang schedules niya sa “PBB” at sa pageant. Sana nga raw ay palarin siyang makoronahang Mr. International Philippines ngayong June 27.

Bukod sa pagwagi niya ng gold medal sa pentathlon sa Subic, Zambales noong 2019 bilang Palarong Pambansa athlete, naging kinatawan din si Comaling sa Mister Grand International pageant sa Panama noong 2021.

Mga kandidato ng Mr. International Philippines. ABS-CBN News
Mga kandidato ng Mr. International Philippines. ABS-CBN News

Bukod kay Comaling, sentro din ng atensyon ang tatlo pang hunks na binigyan ng special awards sa media presentation. Ito’y sina (nasa larawan) Luxxe Slim Top Man Mico Teng ng Davao City; Frontrow Alpha Male John Ernest Tanting ng Cebu City; at Press Favorite Andre Cue ng Cagayan de Oro.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.