DIY: Bag na gawa sa tela ng payong | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DIY: Bag na gawa sa tela ng payong
DIY: Bag na gawa sa tela ng payong
ABS-CBN News
Published May 31, 2018 04:32 PM PHT
|
Updated May 31, 2018 05:08 PM PHT

Ilang araw na lang at balik-eskuwela na naman ang mga mag-aaral.

Kaya para sa mga nagtitipid pero nais magkaroon ng tila bagong bag, puwede itong diskartehan sa paggamit ng mga pinaglumaan pero maaari pang mapakinabangang gamit.

Sa episode ng "Magandang Buhay" nitong Huwebes, ibinahagi ni Dang Pantoja, teacher at coordinator sa Kids At Art Workshop, ang pagbuo ng bag na yari sa tela ng payong.

Narito ang mga kakailanganing materyales:
• Pinaglumaang payong
• Rectangle/Parihabang pattern (maaaring malaking cartolina/ papel)
• Tali o lubid
• Perdible o hairpin
• Patches

Paraan ng paggawa:
1. Alisin ang tela mula sa sirang payong.
2. Gamit ang mga parihabang pattern bilang gabay, gumupit ng dalawang rectangle sa inalis na tela ng payong.
3. Tiklupin at tahiin ang gilid ng mga tela.
4. Pagsamahin at tahiin ang dalawang tela nang magkabaligtad.
5. Mag-iwan ng dalawang maliit na puwang sa ibabang bahagi ng magkabilang dulo ng bag para ilagay ang tali o lubid.
6. Gamit ang pardible o hairpin, ipasok sa kanang butas ng bag ang tali o lubid paikot hanggang sa bumalik ito sa kabilang side ng bag.
7. Ulitin ito sa kaliwang butas.
8. Baligtarin ang bag.
9. Lagyan ng mga makukulay na patch bilang palamuti o disenyo ng bag.