1st Bicol Hammock Festival, dinaluhan ng mga turista | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1st Bicol Hammock Festival, dinaluhan ng mga turista

ABS-CBN News
Published May 31, 2017 03:50 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
CAMARINES NORTE—Kanya-kanyang lagay ng duyan at tent ang lampas 70 sa kauna-unahang Bicol Hammock Festival sa isla ng Apuao Pequena nitong Sabado at Linggo.

Sa loob lang ng kalahating oras galing sa Mercedes Fishport, mararating na ang isla.

Sulit ang biyahe dahil malayo pa lang tanaw mo na ang puting baybayin.

Ang mga nagtataasang puno ng agoho sa lugar na sakto lang an pagitan para sa duyan.
Ang mga nagtataasang puno ng agoho sa lugar na sakto lang an pagitan para sa duyan.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Donna Wheatley, isang turista galling Australia, unang beses niyang pagbisita dito sa Camarines Norte.

“It’s really beautiful, you got trees and the grass is nice, also the water is really nice,” ani Donna.

Maliban sa camping at hammocking, meron ding slackline kung saan nasubukan ang balanse ng mga kasali.

Pinaka-highlight ng festival ang pagsubok na umakyat sa 12-layer hammock na ginawa ng mga organizer.

Si Donna, sinubukan ang 12-layer hammock. Medyo nahirapan siya kaya sa pang-6 na hammock lang siya nahiga.

Si Rowel Rivera naman na galing pang Marikina, naglakas-loob na pumunta sa ika-12 na hammock.

Sabi niya, ito ang kanyang unang hakbang para labanan ang takot sa matataas na lugar.

“Takot kasi ako sa matataas, pero ang sarap dun sa tass, sobrang cool. Medyo alangan lang kasi hanggang ngayon nanginginig pa ako,” ani Rowel.

Bago lumubog ang araw, nagkaroon din ng eco-hike para panoorin ang naglilipadang fruitbats sa isla dahil Bat sanctuary ito.

Ayon kay Jojo Villareal, organizer mula sa Kaddlagan outdoor adventure, hindi lamang ang magpakasaya ang layon ng festival, kundi ang mailapit ang mga kasali sa kalikasan.

“Maganda iyung ganito kasi nakita nila yung ganda ng nature, ma-appreciate nila, pag-na-appreciate na nila, bibigyan na nila ng importansiya at gagawa na sila ng bagay para mapangalagaan ito,” ani Jojo.

Kinagabihan, kinumpleto ng reggae and acoustic concert ang island feel para sa mga hangers at campers.