Nilaga nga tatus o boiled coconut crab. Retrato mula sa Culinary Heritage of Antique
Bumida sa isang event kamakailan ang mga katutubong pagkain na ipinagmamalaki ng mga bayan sa Antique province.
Mga 4th-year hotel and restaurant management student ng Advance Central College sa lalawigan ang nagtampok ng mga putahe sa kauna-unahang Culinary Heritage of Antique noong Huwebes.
Matapos ang isang taon na pananaliksik ng mga estudyante ay kanilang nakompleto ang koleksiyon ng mga katutubong pagkain ng 18 bayan ng Antique.
Kasama ng mga estudyante ang mga lokal na chef ng bawat bayan sa pagluluto ng kani-kanilang katutubong pagkain, na may mga recipe na namana pa sa mga ninuno.
Ipinagmamalaki ng bayan ng Caluya ang kanilang masarap na "linaga nga tatus" o boiled coconut crab.
Linabog nga pagi. Retrato mula sa Culinary Heritage of Antique
Isang masarap na "linabog nga pagi" naman ang inihanda ng mga taga-Hamtic, na ang pangunahing sahog ay pagi at gata ng niyog.
Hindi naman nagpahuli ang mga taga-Libertad dahil sa kanilang "pinais" na gawa sa black rice na binalot sa dahon ng saging at "baye-baye" na gawa sa giniling na malagkit at laman ng buko.
Paggawa sa baye-baye. Retrato mula sa Culinary Heritage of Antique
Layunin ng proyektong ito ay para mapreserba ang culinary heritage ng bawat bayan at makilala ang mga taong nasa likod ng mga masasarap na pagkain at maitaguyod ang culinary tourism sa lugar.
— Ulat ni Rolen Escaniel
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, rehiyon, regions, regional news, Antique, food, pagkain, heritage food