RECIPE: Parapagulong ng Bicol

ABS-CBN News

Posted at May 22 2019 01:59 PM | Updated as of May 22 2019 02:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isa sa mga popular na putahe sa Bicol ang "parapagulong," na tinaguriang "gising-gising" ng mga Bicolano. 

Sahog ng putahe ang pinaanghang na sigarilyas at karneng pinakuluan sa gata at sili. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang guest kusinero na si Dennis Alcantara para ibahagi kung paano magluto ng parapagulong. 

Narito ang mga sangkap: 

• Sigarilyas 
• Gata
• Pork liempo
• Alamang
• Paminta
• Siling labuyo
• Sibuyas
• Bawang

Paraan ng pagluluto: 

Hiwain nang maliliit ang sigarilyas, sibuyas, bawang, liempo at siling labuyo

Sa isang kawali magpakulo ng gata.

Ilagay ang bawang, sibuyas, liempo, at alamang.

Timplahan ng asin at paminta.

Pakuluan hanggang magmantika.

Maaari nang ihain ang parapagulong. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.