Paligsahan sa pagkain ng maaanghang na ulam, idinaos sa Albay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paligsahan sa pagkain ng maaanghang na ulam, idinaos sa Albay

Karren Canon,
ABS-CBN News
Published May 20, 2017 11:20 AM PHT

LEGAZPI CITY – Sampung kalahok ang nagpagalingan sa pagkain ng Bicol express at laing na punung-puno ng sili sa isinagawang “Hot-aw sa Kaonan” sili dishes contest, isa sa mga highlights ng selebrasyon ng Magayon Festival sa Albay.

Ang challenge sa kanila: sabay na pagkain ng bicol express at laing sa pinakamaikling oras.

May mga napaluha habang nakikipag-paligsahan, pero bawat isa ay nanatiling determinado at pursigidong manalo. Tiniis nila ang anghang, lalo pa't karamihan sa kanila ay kailangan umano ng pera para sa mga anak ngayong malapit na naman ang pasukan.

Matapos ang kompetisyon ay tinanghal bilang Sili Queen ang 29-anyos na si Mary Jean Sorro ng Barangay Taysan sa Legazpi City, na unang beses na sumali sa kompetisyon.

Sili King naman ang dati nang nanalo sa parehong kompetisyon noong 2011 at 2015 na si Jomar Balderama, 30 anyos mula Barangay Tumpa sa Camalig.

Pareho silang nakatanggap ng P10,000 at trophy.

Ito na ang ika-18 taon na isinagawa ang sili eating contest sa Albay, para lalong mas pang maipakilala ang mga pagkaing maaanghang at tatak Bicol.

Read More:
sili
labuyo
Bicol
food
Bicol express
laing
eating contest
magayon festival
sili eating
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT