Punong-barangay sa Iloilo gumagawa ng home decor para mapondohan ang frontliners | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Punong-barangay sa Iloilo gumagawa ng home decor para mapondohan ang frontliners

Punong-barangay sa Iloilo gumagawa ng home decor para mapondohan ang frontliners

ABS-CBN News

Clipboard

Gamit ang recycled materials, gumagawa ng mga home decorations ang punong-barangay na si Roger Capalay Cabalar ng Barangay Capitan Fernando sa bayan ng Leon gamit ang plastic na bote ng softdrinks. Photos courtesy: Gabriel Cantomayor.

Kakaibang diskarte ang naisip ng isang punong-barangay sa Leon, Iloilo para matulungan ang mga frontliner na nakikipaglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Gamit ang recycled materials, gumagawa ng mga home decorations ang punong-barangay na si Roger Capalay Cabalar ng Barangay Capitan Fernando sa bayan ng Leon gamit ang plastic na bote ng softdrinks.

Ilan lamang sa halimbawa rito ang paggawa ng pen holder at makukulay na mga palamuti, na ibinebenta nang P50.

Ang kita mula rito, ginagamit aniyang pambili ng pagkain at supplies para sa mga nagbabantay sa kanilang barangay.

ADVERTISEMENT

"Ginabakal namun sang pamahaw, dapli sa panyaga pero ang iban namun nga bulak ginahatag namun sa nagahatag man sa amon sang pamahaw."

(Binibili namin ng meryenda o ulam sa tanghalian. Pero ang iba namang bulaklak ay ibinibigay namin sa mga nagbibigay din ng pagkain sa mga nagbabantay sa barangay.)

Kasalukuyang naka-general community quarantine ang Iloilo.

-- Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.