Rabiya Mateo natapos ang laban sa Miss Universe sa Top 21 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rabiya Mateo natapos ang laban sa Miss Universe sa Top 21

Rabiya Mateo natapos ang laban sa Miss Universe sa Top 21

ABS-CBN News

 | 

Updated May 17, 2021 09:53 PM PHT

Clipboard

Nakapasok sa Top 21 ng Miss Universe si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa coronation night. Retrato mula sa Miss Universe Organization

(UPDATE) Natapos ang Miss Universe journey ni Rabiya Mateo, ang pambato ng Pilipinas, sa pagkakabilang niya sa Top 21.

Ang pambato naman ng Mexico na si Andrea Meza ang hinirang na bagong Miss Universe sa coronation night ng pageant na idinaos sa Amerika ngayong Lunes (gabi ng Linggo roon).

Wagi naman bilang first runner-up ang pambato ng Brazil habang second runner-up ang Peru. India ang pumuwestong third runner-up at fourth runner-up ang Dominican Republic.

Bagaman nakaabante sa Top 21, bigong makapasok si Mateo, isang 24 anyos na taga-Iloilo, sa Top 10.

ADVERTISEMENT

Mula Top 10, tinawag ang Top 5 na sumalang sa question and answer portion na may iba-ibang paksa, gaya ng kung paano tutugunan ng kandidata ang pandemya kung sila ang lider ng bansa.

"I believe there's not a perfect way to handle this hard situation such as COVID-19. However, I believe that what I would've done was [to] create the lockdown even before everything was that big. Because we lost so many lives and we cannot afford that," sagot ni Meza.

Nagpaabot naman ng suporta ang mga dating Miss Universe na sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach para kay Mateo sa kabila ng kabiguan nitong maiuwi ang ikalimang crown ng Pilipinas.

"This year is intense! Sending Rabiya all of our love! She made our country proud!" sabi ni Gray, na nanalong Miss Universe noong 2018, sa isang Twitter post.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Rabiya we love you. Thank you for pouring your heart for the Philippines. We see your heart Queen," sabi ni Wurtzbach, na nakuha ang titulo noong 2015.

Bukod kina Wurtzbach at Gray, kasama sa mga Pinay na naging Miss Universe sina Gloria Diaz (1969) at Margie Moran (1973).

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.