PatrolPH

Happinews: ‘Vital Pilipinas’ nina Gab Valenciano, Victor Pring nakapagpakain ng higit 20,000 pamilya

ABS-CBN News

Posted at May 16 2020 08:11 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA--"Feed one family at a time," ang motto ng magkaibigang Gab Valenciano at Victor Pring nang magsimula silang magpakain sa iba’t ibang barangay sa Quezon City. 

Parte ito ng kanilang Vital Pilipinas initiative na layong tulungan ang mga trabahador na sapul ng enhanced community quarantine. Aabot na sa 20,000 pamilya ang napakain nila sa loob ng isang buwan. 

"Inalam namin sa'n 'yung mga areas na di pa nabibigyan ng ayuda ng gobyerno,” ani Pring. 

Natutulungan pa nila ang mga magsasaka sa Baguio City. 

"Bibili kami gulay then pagkabili sa farmers, dadalhin sa repacking center. Through that repacking center, alamin namin through OWWA (o kaya sa) homeowner's association kung saan may kulang," dagdag ni Pring.

Ayon kay Valenciano, na-inspire siya sa kaniyang mga magulang sa pagtulong sa kapwa. 

“Inside me also within this personality is the spirit of giving and i would like to really give a shoutout to my parents for that,” ani Valenciano, anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan. 

Nagsagawa ng feeding program ang Vital Pilipinas sa Payatas at nag-house-to-house din ang grupo para magbigay ng ayuda sa mga pamilya. 

Patuloy na tumatanggap ng donasyon ang Vital Pilipinas. Plano rin nilang maabot pa ang mas maraming pamilya sa iba’t ibang siyudad. — Ulat ni Gretchen Ho, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.