RECIPE: Sinuglaw ng Visayas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Sinuglaw ng Visayas

RECIPE: Sinuglaw ng Visayas

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang recipe na ipinagmamalaki ng mga taga-Visayas ang sinuglaw, na hango sa dalawang putahe na "sinugba" o inihaw na baboy at "kinilaw," na gawa naman sa hilaw na isda.

Maaari mong subukang gawin ang putaheng ito na may taglay na pinaghalong lasa ng sinugba at kinilaw.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" noong Miyerkoles ang guest kusinero na si Alex Abregana para ibahagi kung paano gawin ang sinuglaw.

Narito ang mga sangkap:

LIEMPO

- Liempo
- Toyo
- Kalamansi
- Asukal na pula
- Suka
- Bawang
- Paminta

ADVERTISEMENT

KILAWIN NA MAY GATA

- Tangigue
- Kamatis
- Gata ng niyog
- Sibuyas
- Luya
- Siling haba
- Kalamansi
- Puting asukal
- Suka
- Asin

Paraan ng pagluluto:

LIEMPO

  1. Sa isang lalagyan ay pagsama-samahin ang toyo, kalamansi, suka, asukal na pula, tinadtad na bawang, at paminta.
  2. Haluin nang maigi ang mga sangkap.
  3. Ibabad ang liempo sa loob ng 30 minuto bago ihawin.
  4. Ihawin o prituhin ang liempo.

KILAWIN NA MAY GATA

  1. Sa isang lalagyan ay pagsama-samahin ang kamatis, gata, sibuyas, luya, siling haba, kalamansi, asukal, at suka.
  2. Haluin mabuti at saka idagdag ang tangigue.
  3. Pagsamahin ang inihaw na liempo at ang inihandang binakaw.
  4. Maaari nang ihain ang sinuglaw.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.