Pagandahin ang mga braso sa 'toyo-suka workout' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagandahin ang mga braso sa 'toyo-suka workout'

Pagandahin ang mga braso sa 'toyo-suka workout'

Dyan Castillejo,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 15, 2017 10:30 PM PHT

Clipboard

Hindi lang pang-adobo ang suka at toyo. Puwede ring magamit sa ehersisyo ang malalaking bote ng dalawa sa paboritong sangkap sa pagluluto sa bahay.

Sa kusina o saan man sa bahay, kunin muna ang suka at toyo at gamitin ang mga ito na parang weights o dumbbells na mabisang tumutulong para magkaroon ng hugis ang iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang arms na gusto nating maipakita nitong tag-init dahil maraming pagkakataon tayong makapag-sleeveless na pangtaas ay mapapaganda sa bicep curls.

Eksakto ang hawakan ng mga bote para rito.

ADVERTISEMENT

Sampung ulit lang ang kailangan, o hanggang naramdaman na ang pump.

Isunod ang tricep curls para ma-workout ang buong braso. Masakit pero masarap at maganda ang resulta na sexy arms.

Magpahinga ng ilang segundo kapag napagod ang muscle at ituloy na muli ang workout.

Pangatlong galaw ang shoulder press, hawak pa rin ang suka at toyo. Magpatuloy lamang.

Ipahinga ang upper body at mag-squats, mas malalim na squat, mas mainam. Mararamdaman ang epekto sa glutes at legs.

Para pa rin sa pagpapakundisyon ng lower body, subukan ang deadlift, hawak pa rin ang mga bote ng suka at toyo.

Sa galaw na ito nagiging firm ang likod ng legs o ang hamstring.

Sundan lang ang video para sa variation nito.

Ulitin ang buong routine ng hanggang dalawa o tatlong beses bago mag-boxing, cool down para sa isang mabilis, mura, at epektibong , body toning workout.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.